^

Bansa

Mandatory drug tests isama sa bagong konstitusyon - solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mandatory drug tests isama  sa bagong konstitusyon - solon
Bukod dito, ayon kay Barbers na chairman ng House committee on dangerous drugs, dapat sakop din ng panukala ang mandatory drug testing sa ilalim ng bagong konstitusyon ang lahat ng government officials.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Hiniling ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa mga miyembro ng consultative committee sa pangunguna ni retired Chief Justice Reynato Puno na amyendahan ang constitutional provision na pumapayag ng mandatory drug test sa mga kandidato para sa national at local positions para matapos na ang tinatawag na narco-politics.

Bukod dito, ayon kay Barbers na chairman ng House committee on dangerous drugs, dapat sakop din ng panukala ang mandatory drug testing sa ilalim ng bagong konstitusyon ang lahat ng government officials.

Paliwanag ni Barbers sa ngayon ay nakatali pa ang kamay ng gobyerno at hindi maaring ipatupad ang mandatory drug test sa mga opisyal ng gobyerno dahil sa desis­yon ng Korte Suprema kung saan idinideklarang labag sa batas ang RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act  of 2002, na nagtatakda ng drug testing para sa lahat ng national at local elective posts at sa mga nahaharap sa kasong kriminal na may katapat na parusang pagkakakulong ng mahigit sa anim na buwan.

Dahil dito kaya hinikayat na lang ng kongresista ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maghain ng kaukulang kaso laban sa mga opisyal ng barangay na umano’y nasa likod ng iligal na droga sa bansa bago ilabas ang listahan ng mga sangkot dito.

Nilinaw naman niya na matagal na nilang panawagan sa komite na ilathala o ilabas ang mga pangalan ng mga opisyal ng gobyerno, hindi lamang ng barangay kundi kasama na ang matataas na opisyal tulad ng mayor, governor, congressmen.    

vuukle comment

HOUSE COMMITTEE

MANDATORY DRUG TEST

ROBERT ACE BARBERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with