^

Bansa

Gordon mananatiling chairman ng Blue Ribbon committee

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na mananatiling chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Sen. Richard Gordon.

Ayon kay Pimentel, kuwalipikado si Gordon bilang chairman ng hinahawakan niyang komite na kalimitang nag-iimbestiga ng mga katiwalian sa gobyerno.

Sinabi pa ni Pimentel na hindi naman hiningi ni Gordon ang kanyang posisyon bilang chairman ng komite.

 “I need to give credit where credit is due, hindi hiningi ni Gordon ang chairmanship, bakante yan sa napakahabang panahon, siya ang pinakiusapan ko,” pahayag ni Pimentel.

Matatandaan na nabanatan ng ilang senador si Gordon dahil sa draft report ng komite tungkol sa P3.5 bilyong halaga ng anti-dengue Dengvaxia vaccines.

Ilang senator ang nagpahayag ng “reservations” sa inilabas na report ng komite at sa pagsasama kay dating Pangulong Benigno Aquino III sa mga dapat sampahan ng kaso.

Kabilang sa mga bumanat kay Gordon si Sen. Ping Lacson sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

May mga senador ding nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa mistulang sinosolo ni Gordon ang pagdinig ng kanyang komite at hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapagsalita ang iba.

Sinabi naman ni Pimentel na maari silang magsagawa ng caucus tungkol sa nasabing isyu upang magkaroon ng pagbabago pero naniniwala silang ginagawa ni Gordon ng maayos ang kanyang trabaho bilang chairman ng Blue Ribbon.

vuukle comment

AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III

RICHARD GORDON

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with