^

Bansa

OFW sa Saudi pinainom ng bleach ng kanyang amo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
OFW sa Saudi pinainom  ng bleach ng kanyang amo
Sa pahayag ng DFA, nasa ‘serious but stable’ na kundisyon na sa King Fahad Central Hospital sa Jizan, KSA si Agnes Mancilla.

MANILA, Philippines — Binabantayan nga­yon ng Department of Foreign Affairs ang kundisyon ng isang ‘overseas Filipino worker sa Saudi Arabia makaraang puwersahang pinainom umano ng bleach ng kanyang babaeng amo.

Sa pahayag ng DFA, nasa ‘serious but stable’ na kundisyon na sa King Fahad Central Hospital sa Jizan, KSA si Agnes Mancilla.

Nadakip naman ng lokal na pulisya ang employer ni Mancilla na hiniling ng Philippine Consulate General sa Jeddah na matiyak na masampahan ng kaukulang kaso.

Ayon pa sa ulat, isi­nugod si Mancilla ng mga kapwa Pilipino sa pagamutan noong Abril 2 nang humingi siya ng saklolo makaraan ang pang-aabuso ng amo. 

Nabatid na nag-um­pisang magtrabaho sa Saudi Arabia si Macilla noong 2016 ngunit paulit-ulit umanong nakakaranas ng pagmamalupit at pisikal na pag-abuso ng kanyang amo na hindi nagbabayad ng kanyang suweldo.

Bukod sa pinsala sa loob ng katawan dahil sa nainom na bleach, may nakita ring mga paso sa likod ng OFW ang mga manggagamot.

Related video:

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with