^

Bansa

Boracay rehab, suportado ni Ang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinusuportahan ni Ramon S. Ang ang pag­sa­saayos sa Boracay upang mapanatili ito bilang magandang tourist destination.

Si Ang ang  presidente at chief operating officer ng San Miguel Corporation na kasalukuyang nagpapatakbo sa Boracay Airport sa Caticlan na nakikita bilang isang world-class airport.

“The island needs to be rehabilitated and we have to support the go-vernment. Yes, we will endure some short-term pain but it’s a step in the right direction and in end we are hopeful it would bring about long-term gain for all,” ayon kay Ang.

Idinagdag pa nito na  kailangang magtulungan ang gobyerno, developers, at mga residente para maisaayos ang Boracay at matulungan ring umangat ang turismo sa mga lugar tulad ng Caticlan at Nabas.

Kung matutulungan ang turismo sa buong probinsya ng Aklan ay magkakaroon ng mas maraming trabaho at lalo pang mapapalakas ang Pilipinas sa larangan ng turismo. Mababawasan rin ang tinatawag na congestion sa Boracay, aniya.

Upang maibsan ang mga suliranin tungkol sa kalikasan sa Boracay at matulungan ang iba pang lugar sa Aklan ay maaa-ring magtayo ng isang tulay mula Caticlan papuntang Boracay. Dahil dito ay mababawasan ang mga turista at tourism workers na magtatagal sa isla ng Boracay.

Mas madaling puntahan ang Boracay at dahil dito ay makakapagtayo na ng hotels at resorts sa labas ng naturang isla. Magkakaroon rin ng mga murang establisimiyento sa labas ng Boracay na pwede ring tirhan ng mga turista at mga manggagawa.

Dahil mababawasan ang tourism workers mula sa mga karatig na lala­wigan ay mababawasan ang nakatira sa Boracay.

Ang pagtatayo ng tulay ay ang sagot sa problema ng basura at sewage sa Boracay dahil maaaring ikabit sa tulay ang mga sewage pipes. Mas mapapadali ang pagsasaayos nito. Maari na ring ilabas ang basura sa Boracay at di na kailangang magtayo ng dumpsite dito.

Related video:

vuukle comment

RAMON S. ANG

SAN MIGUEL CORPORATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with