Mayon muling nag-alburoto
MANILA, Philippines — Nakapagtala ng panibagong aktibidad ang Bulkang Mayon sa Albay sa nagdaang 24 oras.
Ito, ayon kay Philvolcs Director Renato Solidum ay dahil nagkaroon ng lava collapse ang bulkan bunsod para bumuga ng abo, bato at gas ang Mayon.
Nagkaroon din ng isang volcanic earthquake at 24 rockfall events sa naturang bulkan at umabot sa 1532 tonelada ng asupre ang nailuwa pero wala namang naganap na pagsabog dito.
Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon at patuloy na ipinaiiral ang 6 kilometer-radius Permanent Danger Zone at ang precautionary 7 km-radius Extended Danger Zone.
Related video:
- Latest