^

Bansa

Isyu sa suplay, presyo ng bigas pinaaaksyunan ni VP Leni

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ng aga­rang aksyon si Vice Pres. Leni Robredo sa isyu ng suplay at presyo ng bigas, matapos marinig ang labis na pag-aalala ng mahihirap na mamamayan sa suplay at mataas na presyo ng bigas ngayon.

Kamakailan ay binisita ni Vice President Robredo ang Barangay 649 sa Baseco, Port Area, Manila at nakadaupang palad nito ang mga cluster leaders ng Kabalikat sa Kaunlaran ng Baseco at mga opisyal ng Urban Poor Associates.

Personal ding tinignan ng bise presidente ang presyo ng bigas sa Corazon Aquino Public Market sa Baseco, kung saan sinabi ng mga retailer doon na ilang buwan na silang hindi nakapagbebenta ng bigas mula sa National Food Authority (NFA).

Sa dialogue, ilang lider ang nagpahayag ng labis na pag-aalala sa presyo ng bigas kung saan ang mababang uri ng bigas ay ibinebenta ng P40 bawat kilo, ga­yundin ang kawalan ng  NFA Rice na binibili ng marami sa Baseco dahil sa pagi­ging mura at magandang klase nito.

“Mahalaga ito [ng pag-uusap na ito] dahil alam namin na kapag tumaas ang presyo ng bigas, iyong mahihirap iyong unang tinatamaan, kasi iyon talaga iyong una nating binibili. Kasi mawala na ang ulam, basta may kanin, ‘di ba? Kaya natatamaan tayo,” wika ni Robredo sa mga urban poor leaders.

Nakakalungkot umanong malaman ang epekto ng isyu sa mahihirap kung kaya’t hinikayat ng bise presidente ang liderato ng NFA na tugunan ang problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with