Digong humiling ng mas maraming graduation para laging makita si Robredo
March 21, 2018 | 7:57pm
MANILA, Philippines – Tinawag na “my lady” ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bise Presidente Leni Robredo nang magkasama ang dalawa sa graduation rites ng Philippine National Police Academy "Maragtas" class of 2018 sa lalawigan ng Cavite ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Duterte na nais niya laging makita si Robredo na nagbitiw sa kaniyang gabinete noong Disyembre 2016 bilang kalihim ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
“Vice President Maria Leonor ‘Leni’ Robredo, this is the third time that I have greeted you, my lady. Iyong una sa PMA in Baguio, then Fort Bonifacio kahapon at dito ngayon,” wika ni Duterte sa panimula ng kaniyang talumpati.
Sana po may graduation pang iba para magkita pa rin tayo. I love to see my Vice President,” dagdag niya.
Ngumiti lamang si Robredo na ikinatuwa ng mga nasa venue.
Umalis sa gabinete si Robredo matapos abisuhan ng pangulo na huwag nang dumalo sa pagpupulong.
Hindi ikinatuwa ni Duterte ang pagsali umano ni Robredo sa mga kilos-protesta na nananawagan sa kaniyang pagbibitiw. Pinabulaanan naman ito ng bise president.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended