^

Bansa

Special treatment kay Napoles kinuwestiyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Special treatment kay Napoles kinuwestiyon

Ayon kay Poe, ang Witness Protection Program ng gobyerno ay nilikha para bigyan ng proteksiyon ang mga kuwalipikadong testigo. File

MANILA, Philippines — Kinuwestyon kahapon ni Sen. Grace Poe kung bakit kailangang bigyan ng special treatment ang pangunahing akusado sa pork barrel fund scam na si Janet Lim Napoles.

Ayon kay Poe, ang Witness Protection Program ng gobyerno ay nilikha para bigyan ng proteksiyon ang mga kuwalipikadong testigo.

Ipinaalala rin ni Poe na may mga panuntunan para tanggapin ang isang tao bilang state witness at hindi ito ang dapat “most guilty”.

Kinuwestiyon ni Poe kung papaanong hindi naging “most guilty” si Napoles gayong ito ang tinukoy na “pork barrel queen.”

Ang mga ebidensiya rin umano na nabunyag sa publiko ang ginamit laban sa pagpapakulong ng ilang “high profile public officials.”

Tinanong din ni Poe kung tinamad na naman ang prosekusyon na mangalap pa ng mga ebidensiya kaya hindi napapalakas ang kaso laban sa mga kriminal.

 “Pagdating naman sa ebidensya, tinamad na naman ba ang prosekusyon sa pagkalap ng mga ebidensya? Mahirap masanay sa pagdepende na lamang sa testimonya ng mismong kriminal upang pagtakpan ang kawalang abilidad ng gobyernong lumikom ng ebidensya at magpalakas ng kaso laban sa kriminal,” sabi ni Poe.

Samantala, sa statement na ipinalabas ng Liberal Party, kinuwestiyon ng partido kung ano ang napagkasunduan at kapalit ng hakbang para ilagay si Napoles sa Witness Protection Program (WPP).?

Mismong ang abogado ni Napoles na si Stephen David ang umamin na ang kanilang kahilingan na ilipat ang kanyang kliyente mula sa BJMP patungo sa Department of Justice ay suhestiyon umano ni Executive Sec. Salvador Medialdea at Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

vuukle comment

JANET LIM NAPOLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with