^

Bansa

Probe sa Manila Pavilion, inutos ni Aguirre

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na  ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) ang  25  na oras na sunog sa Manila Pavilion Hotel noong Linggo sa United Nation Ave­nue corner Maria Orosa St., Ermita, Maynila.

Ayon kay Aguirre inatasan  niya si NBI Director Dante Gierran na alamin kung mayroon criminal, civil at administrative na pananagutan sa panig ng gobyerno at may-ai ng nasunog na hotel na nagresulta sa pagkamatay ng limang empleyado.

Pinakakasuhan rin ni Aguirre sa NBI ang sinumang mapapatunayang may pananagutan.

Bukod sa limang nasawi nabatid na 25 pang katao ang nasugatan dahil sa naturang sunog.

Inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung nagsimula ang sunog sa mga trahador na nagwe-welding sa unang palapag ng hotel at inaalam rin ang ulat na walang alarm system at water sprinklers ang hotel. Tinatayang nasa P150 mil­yon ang pinsala sa naganap na sunog.

Samantala, isasailalim sa DNA test ang katawan ng isa sa mga  biktima ng sunog. 

Ayon kay Senior Insp. Reden Alumno, Chief Arson Division ng Bureau of Fire Protection sa  Maynila, ang mga labi ni Jocris Banang, ang operator ng closed-circuit television o CCTV operator ang isasalang sa DNA examination dahil hindi na makilala ang kanyang bangkay nang matagpuan sa may ilalim ng data video recording equipment.

Bukod kay Banang,  kinilala ng mga otoridad ang iba pang namatay na sina John Mark Sabido, Edilberto Evangelista, Marilyn Omadto at Billy Rey de Castro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with