^

Bansa

Arrest warrant vs Bautista mananatili

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Arrest warrant vs  Bautista mananatili

MANILA, Philippines — Mananatili pa rin ang arrest warrant  na ipinalabas ng Senado laban kay dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Baustista hangga’t hindi nakakapagsumite ng isang “sworn affidavit” ang da­ting opisyal na nagpapaliwanag ng mga akusasyon laban sa kanya.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Francis “Chiz” Escudero, chairman ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies na nag-iimbestiga sa umano’y tagong-yaman ni Bautista matapos na humarap sa pagdinig kahapon ang abogado ng dating Comelec chair na si  Atty. Anacleto Diaz na nagsabing nakikiusap ang kanyang kliyente na bawiin na ng Senado ang inisyu na warrest warrant laban sa huli.

  Magugunita na nagpalabas ng mga kondisyon si Escudero para mabawi ang arrest warrant laban kay Bautista kabilang na dito ang pagsusumite ng huli ng bank waiver o detalyadong affidavit kung saan sasagutin nito ang mga tanong laban sa kanya na itinakda sa Marso 26 at saka pa lamang irerekomenda ang pagbawi sa warrant.  Pero nilinaw ni Escudero na dapat katigan ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel at ng mayorya ng mga senador ang pagbawi sa warrant of arrest ni Bautista.

Gayunman, sa halip na magbigay ng waiver si Bautista para sa sinasabing deposito nito sa 33 bank accounts sa Luzon Development Bank (LDB) na iniimbestigahan ng komite, hiniling nito na magsumite na lamang siya ng detalyadong affidavit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with