^

Bansa

PMA topnotcher binigyan ni Digong ng house & lot

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
PMA topnotcher binigyan  ni Digong ng house & lot
Iniabot ni Pangulong Duterte ang Presidential Saber Award sa Class Valedictorian na si Jaywardene Hontoria sa ginanap na PMA graduation kahapon sa Fort Del Pilar, Baguio City.
(Andy Zapata Jr.)

MANILA, Philippines — Pinagkalooban kahapon ni Pangulong Duterte ng house and lot ang valedictorian ng PMA Alab Class of 2018 na si Jaywardene Hontoria.

Sa 282 miyembro ng PMA Alab Tala Class, si Hontoria ang nag-uwi ng pinakamaraming parangal dahil sa pagiging valedictorian at class Baron.

Kabilang sa mga parangal na ito ay ang Presidential Saber Award, na ibinigay mismo ni President Duterte, Phl Navy Saber at Chief of Staff Saber sa ginanap na graduation rites sa PMA Baguio City.

Si Hontoria, 25-anyos, ay isang registered nurse, anak ng magsasaka sa Balabag, Pavia, Iloilo. Si Hontoria ay mapapabilang sa pwersa ng Philippine Navy (PN).

Ito ang kauna-unahan sa history ng PMA commencement exercises na nagbigay ang Pangulo ng house and lot sa valedictorian at class Baron ng PMA.

Sa kanyang speech, sinabi ng Pangulo sa mga bagong graduate na la­ging isabuhay ang itinuro sa kanila na “cou­rage, integrity and loyalty” sa pagpasok sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Ayon sa Pangulo, sa kanilang paglabas ng PMA, tiyak na mahaharap ang mga bagong sundalo sa mga realidad na mas komplikado sa mga pinagdaanan nila sa akademya.

Ngunit tiwala aniya siya na sapat ang pagsasanay at paghubog sa kanila ng akademya para magsilbing mga lider ng bansa.

Ayon pa sa Pangulo, hindi mabibigo ang mga bagong sundalo basta pairalin ang disiplina at determinasyon.

Samantala pinagka­looban naman ni Vice Pres. Leni Robredo ng Vice Presidential Saber ang class salutatorian na si Cadet First Class Ricardo Witawit Liwaden.

Si Pangulong Duterte at VP Robredo ang na­nguna sa graduation rites ng PMA sa Baguio City. Magkatabi pang naupo sina Duterte at  Robredo.

Ito ang unang pagkakataon sa taong ito na nagsama sa isang okasyon ang dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Bago nagsimula ang may dalawang oras na graduation rites, nakitang binati at kinamayan ni Duterte si Robredo.

vuukle comment

PANGULONG DUTERTE

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with