^

Bansa

‘Kamay ni Duterte hindi naman namamaga’ – Roque

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Kamay ni Duterte hindi naman namamaga� � Roque

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Roque na hindi niya tiyak kung totoong napasuntok ang Pangulo sa pader ng Malakanyang dahil sa desisyon ng Department of Justice na iabsuwelto sina Rolando “Kerwin” Espinosa Jr., at Peter Lim mula sa mga kinakaharap na kaso tungkol sa ilegal na droga. File

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na namamaga ang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos mapaulat ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director Ge­neral Ronald “Bato” Dela Rosa na napasuntok ito sa pader sa Malacañang dahil sa galit.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Roque na hindi niya tiyak kung totoong napasuntok ang Pangulo sa pader ng Malakanyang dahil sa desisyon ng Department of Justice na iabsuwelto sina Rolando “Kerwin” Espinosa Jr., at Peter Lim mula sa mga kinakaharap na kaso tungkol sa ilegal na droga.

Sinabi ni Roque na kasama niya ang Pangulo halos maghapon noong Biyernes at wala naman siyang napansing kakaiba sa kamay nito.

“Hanggang alas kuwatro po kaninang umaga magkasama kami ni Presidente. Wala pong diperensiya ang kaniyang kamay... Hindi ko po alam kung talagang totoong nanuntok sa dingding ‘yan. Kasi ang nangyari po, pagkatapos po ng Command Conference, hindi na po kami naghiwalay,” sabi ni Roque.

Bukod kay Roque ka­sama rin umano ng Pa­ngulo si  Special Assistant to the President Bong Go.

Nauna rito, sinabi ni Roque na labis na nadismaya ang Pangulo sa nangyari sa kaso nina Espinosa at Lim.

Pero naniniwala rin si Roque na buo pa rin ang tiwala ng Pangulo kay DOJ Secretary Vitaliano Aguirre kaya nanatili pa rin ito sa puwesto.

vuukle comment

PRESIDENT DUTERTE

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with