^

Bansa

Online sex exploitation sa mga bata sa Philippines bumaba

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Online sex exploitation sa mga bata sa Philippines bumaba

Sinabi ni Legarda na base sa ulat ng IJM, bumaba ang insidente ng OSEC matapos ang masigasig na pagpapatupad ng batas partikular sa Metro Cebu na nakapagtala ng 79% decrease noong 2010; Metro Manila, 75% decrease noong 2016; at Angeles City, 86% decrease noong 2016. Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Dahil sa masigasig na pagpapatupad ng mga anti-trafficking laws sa bansa, bumaba ang insidente ng “Online Sex Exploitation on Children” o OSEC.

Sa talumpati ni Sen. Loren Legarda, awtor ng Anti-Trafficking in Persons Act, sinabi nito na mahalaga pa rin na epektibo at tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng mga batas para tuluyang masawata ang pagsasamantala sa mga bata.

Sinabi ni Legarda na sa rescue missions na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), kasama ang International Justice Mission (IJM), mahigit sa 273 biktima ang kanilang naisalba sa 77 operations kung saan mahigit sa 87% ng mga biktima ay hindi bababa ?sa 18 taong gulang.

Ang average na edad ng mga batang nasagip ?ay 12 anyos samantalang mayroon ding mga na-rescue na mas bata ?sa 12 taong gulang.

Sinabi ni Legarda na base sa ulat ng IJM, bumaba ang insidente ng OSEC matapos ang masigasig na pagpapatupad ng batas partikular sa Metro Cebu na nakapagtala ng 79% decrease noong 2010; Metro Manila, 75% decrease noong 2016; at Angeles City, 86% decrease noong 2016.

Ang IJM ay isang non-profit organization na katuwang ng Philippine law enforcement agencies sa pag-rescue at pagtulong sa mga “sexually exploited children”.

Ipinagmalaki rin ni Legarda na ang Pilipinas ngayon ang nangunguna sa paglaban sa trafficking sa Southeast Asia at nag-iisang bansa na Asian na mayroong Tier 1 ranking sa Trafficking in Persons Report ng US Department of State.

Pero hindi aniya dapat itigil ang kampanya at dapat tiyakin na tuluyang masasawata ang nasabing krime.

vuukle comment

SEN. LOREN LEGARDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with