^

Bansa

3 kabataan tiklo sa P.4-M marijuana

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
3 kabataan tiklo sa P.4-M marijuana
Sa ulat ni P/Supt. Vicente Cabatingan kay Quezon PNP Director PS/Supt. Roderick Armamento, unang naaresto dakong alas-11:30 ng umaga sa kanyang bahay sa Barangay Ibabang Dupay, purok Rainbow ang AB Psychology graduating student na si Andrian Jose de Ramos, 23-anyos na umano’y distributor ng iligal na droga na ayon kay Cabatingan ay hinihinalang nanggaling pa sa bansang Germany.
Joven Cagande

LUCENA CITY- , Philippines  — Aabot sa mahigit P.4-milyon halaga ng high grade marijuana ang nakumpiska sa dalawang graduating college student at isang menor-de-edad matapos na magsagawa ng drug operation ang mga operatiba ng Lucena PNP-DEU sa dalawang barangay dito, kahapon.

Sa ulat ni P/Supt. Vicente Cabatingan kay Quezon PNP Director PS/Supt. Roderick Armamento, unang naaresto dakong alas-11:30 ng umaga sa kanyang bahay sa Barangay Ibabang Dupay, purok Rainbow ang AB Psychology graduating student na si Andrian Jose de Ramos, 23-anyos na umano’y distributor ng iligal na droga na ayon kay Cabatingan ay hinihinalang nanggaling pa sa bansang Germany.

Nakuha buhat sa kanya ang 32 small zip pack bag na naglalaman ng naturang illegal substance na may street value na P64,000.00, P600 marked money at mga drug paraphernalia.

Sa interogasyon ay inginuso ni De Ramos ang supplier ng droga na kanyang ibinebenta sa mga kapwa estudyante kung kaya agad na isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-12:10 ng tanghali sa purok Santolan Bata, Brgy. 2  na nagresulta sa pagkakaaresto sa magkapatid na sina John Michael Anonuevo, 21, graduating ng kursong Computer Science at alyas ‘Benny’, 17, senior high school at kapwa nangungupahan sa second floor ng isang bahay sa nasa­bing lugar.

Nakuha buhat kay John Michael ang anim na malala­king zip pack bag na naglalaman ng kush marijuana na nagkakahalaga ng P340,000.00, mga paraphernalia at isang kulay orange na kotse.

Inamin ni John Michael na siya ang nagsu-supply ng naturang mga iligal na droga sa mga parukyano sa lungsod subalit porsyento lamang umano ang nakukuha niya mula sa big time dealer na umano’y taga-Maynila na hindi nito pinangalanan. 

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with