^

Bansa

Recount sa VP poll protest ipinagpaliban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa mga ilan pang kailangang paghahanda, iniusog ng Supreme Court (SC), umuupong Presidential Electoral Tribunal  (PET) sa Abril 2 ang recount ng mga boto nina Vice Pres. Leni Robredo at dating Senator Bongbong Marcos.

Ayon kay Romulo Macalintal, legal counsel ni Robredo, una nang itinakda ng PET ang recount sa Marso 19 ngunit ipinagpaliban ito hanggang susunod na buwan pagkatapos ng Holy Week break.

Ipinaalam ng PET sa magkabilang panig na kulang pa ng 8 vote revisors makaraang 42 lamang ang pumasa sa bagong mandatory psychological evaluation.

Tiwala naman ang kampo ni Robredo sa PET sa proceedings dahil ha­ngarin din umano nilang matapos na ang nasabing protesta at matapos na ang anumang pagdududa sa gusto ng sambayanang Pilipino at sa tagumpay ni VP Robredo.

Inaasahan naman na unang bibilangin ang mga boto sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental, na nabanggit sa election protest ni Marcos laban kay Robredo.

Kasama sa inilalaban ni Marcos ang 39,221 clustered precincts at humiling na i-manual recount ang boto sa 36,445 precincts at i-annul ang resulta sa natitirang 2,756 precincts.

Inilalaban naman ni Rob­redo ang 8,042 clustered precincts, na may 31,278 established precincts, sa kanyang counter-protest.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with