^

Bansa

Walang dahilan para maantala pa ang bgy./SK elections - Aquino

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ni Sen. Bam Aquino ang panibagong pagkilos para ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections mula Mayo patungong Oktubre, sa pagsasabing pinatatagal lang nito ang pagkakataon ng taumbayan na maghalal ng bagong lider.

“Huwag natin hayaang nakawin muli ang karapatan nating iboto ang ating lokal na pinuno,” wika ni Sen. Bam. “Walang dahilan para ipagpaliban pa ito. Ituloy na ang Barangay at SK election.”

Isinusulong ni Aquino ang pagsasagawa ng barangay at SK elections, sa pagsasabing dapat matagal na itong ginawa.

Bukod dito, nais ni Bam na masaksihan ang buong pagpapatupad ng Republic Act 10742 o ang SK Reform Act, ang unang batas sa bansa na mayroong anti-political dynasty provision. Isinulong ito ni Bam bilang co-author at co-sponsor sa panahon niya bilang chairman ng Committee on Youth noong 16th Congress.

Itinaas ng batas ang edad ng SK officials patungong 18-24 taong gulang, upang maging ligal ang pagpasok nila sa mga kontrata at mapapanagot sa kanilang aksiyon.

Kailangan na ring sumailalim sa leadership training programs ang mga SK official upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa pagtupad sa tungkulin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with