^

Bansa

Registered nurse, top 1 sa PMA Class 2018

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang registered nurse na anak ng isang magsasaka sa Iloilo ang nanguna sa 282 magsisipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Alab Tala (Alagad ng Lahing Binibigkis ng Tapang at Lakas) Class 2018.

Si Cadet 1st Class Jaywardene Galilea Hontoria na maglilingkod sa Philippine Navy ang itinanghal na Class Valedictorian.

Ang iba pang nasa Top 10 ay ang class salutatorian si Cadet First Class Ricardo Witawit Liwaden mula Mt. Province; third placer Cadet First Class Jun Jay Malazzab Castro mula Cagayan; fourth place si Cadet First Class Leonore Andrea Cariño Japitan ng Butuan; fifth placer si Cadet First Class Mark Jantzen Nono Dacillo mula Zamboanga  City; sixth placer si Cadet First Class Jezaira Laquinon Buenaventura ng Negros Oriental; seventh placer si Cadet First Class Jessie Antonio Laranang ng Tarlac; eight placer si Cadet First Class Paolo Balla Briones ng Baguio City, habang ninth placer si Cadet First Class Jayson Raymundo Cimatu ng Aurora, habang tenth placer si Cadet First Class Micah Quiambao Reynaldo ng Tarlac.

Sa tala ng PMA, nasa 207 ang mga lalaki habang 75 ang mga babae kung saan 143 ang papasok sa Philippine Army, 71 ang papasok sa Philippine Air Force habang 68 ang papasok sa Philippine Navy.

Ayon sa akademya, ang mga ito ang natira mula sa aabot sa 21,600 mga aplikante para sa PMA Class of 2018. Sinabi pa ng PMA na ang bilang ng mga babae sa graduating class ang pinakamarami sa history ng akademya.

Gaganapin ang seremonya sa pagtatapos ng mga kadete sa March 18, araw ng Linggo kung saan si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang magsisilbing guest of honor and speaker.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with