^

Bansa

Dalagang rider, lolo dedo sa wheeler

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa kalunus-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang dalaga at isang lolo makaraang kapwa mapisak ng mga rumaragasang trak sa magkahiwalay na insidente sa mga lungsod ng Valenzuela at Navotas nitong Martes ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Edelyn Abelo, 36-anyos, naninirahan sa No. 22 Saint Peter Avenue, Luis Francisco Subdivision, Brgy. Veinte Reales, Valenzuela City at si Lito Lauros, 68-anyos, retiradong security guard, at naninirahan sa No. 90 San Marcos Street, Brgy. Navotas West, Navotas City.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, binabagtas ni Abelo ang northbound lane ng MacArthur Highway sa Brgy. Malanday lulan ng kanyang motorsiklo dakong alas-5:10 ng hapon nang masagi ng tagiliran ng Isuzu dump truck (RKL-919) na minamaneho ng suspek na si Eddie Ringor, 27, tubong Malokiat, Pozzorubio, Pangasinan.

Dito sumemplang ang motorsiklo dahilan para magulu­ngan ang katawan ng biktima ng panghuling gulong ng trak na nagresulta sa agaran at kalunus-lunos na pagkasawi ng dalaga.  Agad namang nadakip si Ringor na nahaharap ngayon sa kasong Homicide through reckless imprudence.  Nakaditine siya ngayon sa Valenzuela City Detention Center.

Sa Navotas, naglalakad sa gilid ng southbound lane ng Road 10 sa Barangay North Bay Boulevard South si Lauros nang mabundol siya ng trailer truck (UVC-163) na minamaneho ng suspek na si John-John Abra­saldo, 35, binata, at residente ng Brgy. Longos, Malabon City.

Agad na nasawi ang biktima nang pumailalim at makaladkad pa siya ng trak na nagdulot ng matinding pinsala.  Nadakip naman agad si Abra­saldo na nahaharap na rin sa kaukulang kasong kriminal.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with