^

Bansa

Philippine Marine Corp. gagawing isa sa sangay ng AFP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang panukala para sa pagdeklara ng Philippine Marine Corp. bilang isa sa sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kasalukuyan, ang Philippine Marines ay nasa ilalim ng Philippine Navy.

Subalit sa ilalim ng House Bill 7304 na inihain nina Alvarez at House Majority leader Rodolfo Farinas, magiging distinct at autonomous na ito bilang hiwalay na sangay tulad ng Philipine Air Force, Philipine Navy at Philippine Army.

Sinabi nina Alvarez at Fariñas na ang kawalan ng sariling charter ng Philippine Marines ay ugat ng ilang problema sa institusyon nito tulad ng sa usapan ng pondo at organisasyon.

Sa sandaling maisabatas ang panukala, ang Marines ay magkakaroon ng malinaw na otorisasyon para sumuporta sa law enforcement agencies at tumugon sa oras ng kalamidad at trahedya.

Isinasaad naman sa panukala na pamumunuan ito ng commandant na may ranggong Lieutenant General na itatalaga ng pangulo ng bansa.

Itatatag naman ang tatlong base ng Philipine Marines sa Luzon, Visayas at Mindanao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with