^

Bansa

Dengvaxia probe tinapos na ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Dengvaxia probe tinapos na ng Senado

Humarap sa pagdinig si Dr. Scott Halstead, isang US dengue specialist, na nagsabing nasorpresa siya na itinuloy ng gobyerno ang malawakang immunization sa mga batang may edad siyam na taon pataas. Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinapos na kahapon ng Senado ang imbestigasyon tungkol sa P3.5 bilyong halaga ng kuwestiyunableng anti-dengue vaccines na Dengvaxia.

Humarap sa pagdinig si Dr. Scott Halstead, isang US dengue specialist, na nagsabing nasorpresa siya na itinuloy ng gobyerno ang malawakang immunization sa mga batang may edad siyam na taon pataas.

Sinabi ni Halstead na nauna na siyang nagbabala na bago ibigay ang Dengvaxia dapat munang magkaroon ng test.

Nauna ng sinabi ni Halstead na noong 2016 labis itong nag-alala sa plano ng mga Philippine health officials kaugnay sa dengue immunization program gamit ang vaccine ng Sanofi-Pasteur.

Nagbabala na umano noon si Halstead na hindi dapat ibigay ang Dengvaxia sa mga “seronegative” individuals o mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue virus.

Pero sinabi rin ni Halstead na ayaw nilang maramdaman ng mga tao na delikado ang bakuna o vaccines.

“I am a pro-vaccine person my entire life. We do not want vaccines to be injured by this,” pahayag ni Halstead.

Idinagdag ni Halstead na ang Dengvaxia ay hindi maaring gamiting basehan para sa autopsy.

Sinabi naman ni Gordon sa pagsisimula ng pagdinig na ang kakulangan sa impormasyon tungkol sa Dengvaxia ang naging dahilan ng pagkamatay ng ilan sa mga nabakunahan nito.

Ayon pa kay Gordon na karapatan ng mga pasyente o nabakunahan na bigyan sila ng sapat na impormasyon.

Kahit pa sabihin aniya ng Sanofi na mabuti ang kanilang intensiyon sa pagpapatupad ng programa, marami naman ang nagkakasakit at mayroon ring mga namatay dahil hindi nabigyan ng sapat at tamang impormasyon.

Muli namang tiniyak ng Department of Health sa pamamagitan ni Secretary Francisco Duque na tutulu­ngan ang pamilya ng mga batang nabigyan ng Dengvaxia at magbibigay rin sila ng psychological debriefing services.

Sa panayam matapos ang pagdinig, sinabi ni Gordon maaring kasuhan ng homicide ang mga mapapatunayang sangkot at nagpabaya sa tungkulin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with