^

Bansa

Whistle blower sa MRT anomaly hawak ng Malacañang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Whistle blower sa MRT anomaly  hawak ng Malacañang

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon, batid ng hawak nilang whistle blower kung paano ang ginawang hatian ng mga opisyal hinggil sa pondo para sa MRT maintenance. 

Boy Santos

Hatian sa pondoibinunyag

MANILA, Philippines — Hawak na ng gobyerno ang isang whistle blo­wer hinggil sa umano’y maanomal­yang pagpili ng Aquino admi­nistration ng maintenance provider nito na naging sanhi ng aberya ng MRT 3.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon, batid ng hawak nilang whistle blower kung paano ang ginawang hatian ng mga opisyal hinggil sa pondo para sa MRT maintenance.

Ayon kay Roque, na­bun­yag din na mayroong Pangasinan Group sa isyu ng MRT 3 kung saan 33 percent ng ibinabayad ng pamahalaan para sa kontrata ng maintenance nito ay ibinubulsa umano ng naturang grupo.

Ang panibagong 33% naman ay napupunta sa tinatawag nilang political machinery kaya mahigit 30 porsyento lamang ng budget ang napupunta para sa maintenance ng MRT 3.

“Meron pala kasing tinatawag na Panga­sinan Group diyan. Tapos maniwala kayo at hindi ang sabi ng whistleblower ay 1/3 daw nung total na binabayad natin para sa kontratang ito ay napupunta lang doon sa Pangasinan group ‘no. Tapos 1/3 daw diumano ay binabayad din sa political machinery at 1/3 lang talaga iyong napupunta para sa pag-maintain ng MRT 3. Talaga namang kapag 1/3 lang sa binabayad ang ginugugol para sa MRT 3, talagang masisira iyan at magkalintik-lintik gaya ng nangyayari ngayon,” paliwanag ni Roque.

Dagdag pa ng presidential spokesman, isa-isa nang naglalabasan ngayon ang mga whistle blower sa MRT 3 mess at kinukumpleto na lamang nila ang mga documentary evidence upang patuna­yan kung paano pinaghatian ang budget na para sa MRT 3 maintenance kaya nagkaproblema ngayon ang operasyon ng nasabing mass transport system.

“Itinalaga po talaga si Solicitor General, paspasan ang pagpa-file pa ng lahat ng kaso na kinakaila­ngan at kasi in fairness, ngayon lang lumalabas iyong mga whistleblower. Ngayon lang may hawak tayong whistleblower kung paano ang hatian,” giit pa ni Roque.

vuukle comment

AQUINO ADMI­NISTRATION

MRT 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with