^

Bansa

Illegal structures sa Boracay sinimulan nang baklasin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Illegal structures sa Boracay sinimulan nang baklasin

Ang  resort’s FLAg-T lamang ay sumasakop sa  998 square meters sa Sitio Diniwid sa Brgy. Balabag hindi kasama ang  viewing deck.

Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng mga elemento ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbabaklas sa mga  illegal structures sa Boracay Island sa Aklan.

Isa sa nasampolan ang viewing deck na nakatayo sa isang rock formation  sa isang resort na pag-aari ng isang Crisostomo Aquino.

Sinasabing ang may 120-square meter viewing deck na nakatayo sa tatlong natural rock formations ay hindi sakop ng nakuhang  Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAg-T) ng resort.

Ang  resort’s FLAg-T lamang ay sumasakop sa  998 square meters sa Sitio Diniwid sa Brgy. Balabag hindi kasama ang  viewing deck.

Ang hakbang ay bahagi ng pagtupad ng DENR sa utos ni Pangulong  Rodrigo Duterte  na solosyunan ang  environmental problems  sa Boracay sa loob ng anim na buwan.

Bagama’t humiling ng isang buwang palugit ang may-ari ng resort, isang araw lamang ang naibigay dito para mabigyang daan ang paglilipat ng mga guest dito.

Sinabi ni Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, magsisilbing huwaran sa ibang resort owners ang ginawa ni Aquino upang maipaalam sa lahat na dapat sundin ang batas hinggil dito.

Sinasabi ni Aquino na itinayo ang deck  para sa mga  guests  na nais makita ang kagandahan ng  Boracay sunset.

Nauna rito, binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng anim na buwan si Cimatu para sa rehabilitasyon ng Boracay.

vuukle comment

BORACAY ISLAND

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES.

ILLEGAL STRUCTURES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with