^

Bansa

Digong nanawagan na ipagtanggol ang kalayaan sa EDSA anniversary

Jacob Molina - Pilipino Star Ngayon
Digong nanawagan na ipagtanggol ang kalayaan sa EDSA anniversary

"Pagyamanin pa natin ang ating demokrasya sa pamamagitan ng pagpapalakas sa ating mga mamamayan, pangangalaga sa kanilang mga karapatan, at pagpapatatag sa mga institusyong nagtataguyod ng kanilang kalayaan," paghihimok ni Duterte. The STAR/Romina Cabrera

MANILA, Philippines — "Ang rebolusyon sa EDSA ay simbolo ng pakikipaglaban para sa tama at pagtatanggol ng kalayaan."
 
Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong Linggo.
 
"Simula noon, ang rebolusyon sa EDSA ang nagsilbing sagisag ng ating paninindigang ipaglaban ang tama at - sa mga mapanubok na yugto n gating nakaraan – ipagtanggol at ipagsanggal ang ating malayang pamumuhay," wika ni Duterte.
 
"Mahigit tatlong dekada na ang nakalipas nang ipamalas natin sa buong mundo ang ating tapang at paninindigan na baguhin ang landas ng ating kasaysayan," dagdag niya.
 
Nanawagan din ang pangulo sa mga Pilipino na magkaisa sa gitna ng pagdiriwang na pagyamanin ang demokrasya at tumupad sa mga mithiin at adhikain ng bansa.
 
"Pagyamanin pa natin ang ating demokrasya sa pamamagitan ng pagpapalakas sa ating mga mamamayan, pangangalaga sa kanilang mga karapatan, at pagpapatatag sa mga institusyong nagtataguyod ng kanilang kalayaan," paghihimok ni Duterte.
 
Naging daan ang EDSA revolution upang mapatalsik sa puwesto ang diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos.
 
Kinumpirma ng Palayso na nasa Davao City si Duterte at hindi siya makakadalo sa okasyon.
 
Ito ang pangalawang pagkakataon na hindi makakapunta ang pangulo sa pagdiriwang.
 
Ipinag-utos ni Duterte ang pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong 2016.

Related video:

vuukle comment

EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with