^

Bansa

Pekeng balita, maling impormasyon bagong kalaban ng People Power – Bam

Pilipino Star Ngayon
Pekeng balita, maling impormasyon bagong kalaban ng People Power � Bam

MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power 1, nanawagan si Sen. Bam Aquino sa taumbayan na buhayin ang diwa ng People Power sa pamamagitan ng pagsasalita laban sa bashers, pekeng balita, mga kontrobersiya sa pamahalaan at mga isyung nakaaapekto sa bayan.

“Kung dati, tangke ang karahap natin sa EDSA, ang kalaban natin ngayon ay mga nagpapakalat ng pekeng balita at trolls sa social media,” wika ni Aquino sa isang panayam sa telebisyon kahapon.

“Kailangan natin mahanap ang ating boses. Magsalita tayo at makilahok tayo sa mga nangyayari sa ating bayan, lalo na kapag may nakikita tayong mali,” dagdag niya.

Iginiit ni senador na ang laban sa kasalukuyan ay iba sa tagumpay na nakamit ng mga Pilipino 32 taon na ang nakalipas, ngunit pareho pa rin ang mga prinsipyong ipinaglalaban.

“Ipagdiwang natin ang EDSA at alalahanin ang mga ipinaglaban noon – wakasan ang korupsyon, patibayin ang malayang media, at itaguyod ang karapatan ng mga Pilipino,” sabi ng Aquino.

“Beyond politics, beyond political colors, beyond political parties, EDSA People Power is about fighting dictatorship and the restoration of democracy in our country,” dagdag pa ng senador.

Sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon, sinabi ni Aquino na nakita ng buong mundo ang napakagandang imahe ng mga Pilipino.

“Let’s celebrate People Power this year by being the best, most courageous and most compassionate versions of ourselves.”

 

vuukle comment

EDSA

PEOPLE POWER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with