^

Bansa

Higit 8-libong bakwit sa Albay nagkasakit

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit 8,000 evacuees na ang tinamaan ng sakit na pawang residente ng Albay bunsod ng pagputok ng Mayon Volcano

Sa ulat ng Department of Health (DoH), nasa kabuuang 8,193 ang mga binigyan ng medikal na atensyon mula Enero 15 hanggang Pebrero 13 o sa loob ng isang buwang pag-aalburoto ng bulkan.

Nasa 5,347 o 65% dito ang bilang ng mga kaso ng Acute Respiratory Infection na sinusundan naman ng lagnat na may 1,070 kaso  o 11 %.

Pitong porsyento o 644 kaso ang dumanas ng hypertension, 538 ang nagkaroon ng diarrhea habang 360 o 4 % naman ang nagkasugat.

Samantala, iniulat din ng DoH na umaabot na sa P31.6 milyon ang naipadala nilang halaga ng logistical support para sa kanilang tanggapan sa Region 5 bilang ayuda sa mga lumikas na pamilya sa Albay.

Related video:

vuukle comment

MAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with