^

Bansa

Con-ass larga na!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon
Con-ass larga na!

Ito ang inamin mismo ni House Speaker Pantaleon Alvarez kaya luma­labas na tuluyan nang sinagasaan ng Kamara de Representantes ang Senado.  Edd Gumban 

Kahit wala ang Senado

MANILA, Philippines — Kahit wala ang Senado, sinimulan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang proseso sa Charter change (Cha-cha) sa pamamagitan ng inaprubahang “Constituent Assemby” (Con-ass).

Ito ang inamin mismo ni House Speaker Pantaleon Alvarez kaya luma­labas na tuluyan nang sinagasaan ng Kamara de Representantes ang Senado.

Ayon kay Alvarez,  nasa Charter change mode na ang Kamara ngayon at hindi na nila hihintayin pa ang Senado na mapagtibay ang sari­ling resolusyon.

Giit ni Speaker, hindi nila kailangang mag-convene o joint session kasama ang Senado para sa Cha-cha dahil wala naman nakalagay sa Kons­titusyon gayun din ang salitang Constituent Assembly o Con-ass.

Sa halip na Con-ass, ang nakasaad umano sa Saligang batas ay “Congress upon a vote of 3/4 of all its members can propose any amendment to the Constitution or by Constitutional Convention.”

Subalit nang tanu­ngin si Alvarez kung bakit Con-ass ang nilalaman ng inaprubahan nilang House Concurrent Resolution number 9, sinabi niya na pagkakamali lamang ito at madali naman itong baguhin dahil ito ay re­solusyon lang.

Paliwanag pa niya, kung sa botohan ay makuha nila ang 3/4 ng buong Kongreso, maaari na nilang ituloy ang pagbabago ng Saligang Batas. Ang anuman umanong mabubuo nilang “proposed amendment” ay isasalang ito sa malawakang konsultasyon bago tuluyang isailalim sa plebesito.

Target pa rin naman umano ng Kamara na maisakuparan ang plebesito sa Mayo subalit handa naman silang iurong ito sa 2019  kung kakapusin sa panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with