^

Bansa

Wish ni Bato sa kaniyang kaarawan: Sana wala nang mamatay sa Tokhang

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon
Wish ni Bato sa kaniyang kaarawan: Sana wala nang mamatay sa Tokhang

Retirado na sana si Philippine National Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa mandatory retirement age ngunit binigyan pa siya ni Duterte ng tatlong buwan upang pamunuan ang PNP. Philstar.com/AJ Bolando, file

MANILA, Philippines – Nagpapahinga na sana ngayong bilang isang normal na mamamayan si Philippine National Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa matapos ipagdiwang ang kaniyang ika-56 na kaarawan kahapon, ngunit hindi pa ito nangyari kasunod ng pagpapalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kaniyang trabaho.

Sa kabila nito ay masaya pa rin si dela Rosa na napahaba ang kaniyang termino dahil patunay ito na pinagkakatiwalaan siya ng pangulo. Aniya bibihira lamang hepe ng PNP na napapalawig ang termino.

“Malungkot na sana hindi na ako naka uniporme ngayon, hayahay na ako ngayon, but still merong pang trabaho. Masaya in the sense na nakapaglingkod pa tayo sa sambayanan Pilipino,” wika ng hepe ng PNP sa lingguhang pulong balitaan sa Camp Crame.

“So I am greatly honored. Very rare opportunity ito na ma-extend ka. Being chief PNP pa nga lang very rare ang chance, how much more yung extension?” dagdag niya.

Retirado na sana si dela Rosa base sa mandatory retirement age ngunit binigyan pa siya ni Duterte ng tatlong buwan upang pamunuan ang PNP.

Malayo pa rin sa bakasyon si dela Rosa dahil matapos ang trabaho sa PNP ay nakahanda na ang paglilipatan niya sa Bureau of Corrections bilang bagong pinuno nito.

Bukod sa pasasalamat sa isa na namang taon na ibinigay sa kaniya, hiniling ng hepe ng PNP na maresolba na ng gobyerno ang problema sa ilegal na droga.

“Maging successful sa aming campaign plan double barrel oplan tokhang na sana wala na kaming problemang ma-encounter at sana maging successful in the sense na sana wala nang mamatay, kung meron sana kakaunti na lang,” ani dela Rosa.

Mula nang ilunsad ang kampanya laban sa ilegal na droga ay naging kakambal na nito ang batikos dahil sa dami nang namamatay dahil sa umano’y panlalaban ng mga drug suspect.

Ilang beses nang iginiit ng mga awtoridad na ginagawa lamang nilang ang kanilang trabaho at kasama nito ang pagpoprotekta sa kanilang mga sarili.

“Ayun lang ang wish ko para sa drug problem ng Pilipinas ay ma-address talaga hindi man totally ma-eliminate, sana bababa to the lowest level,” sabi ni dela Rosa.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with