^

Bansa

Pacquiao iwas pusoy sa pagtakbong pangulo sa 2022

Pilipino Star Ngayon
Pacquiao iwas pusoy sa pagtakbong pangulo sa 2022

Eight division champion at Sen. Manny Pacquiao. OSMP/Wendell Alinea, file

MANILA, Philippines - “Masaya na ako sa posisyon ko.”

Ito ang naging tugon ni Sen. Manny Pacquiao nang tanunin kung tatakbo ba siya sa pagkapangulo sa 2022 national elections.

Sa kaniyang panayam sa ANC Headstart ngayong Miyerkules, hindi direktang sinagot ni Pacquiao kung susubukan niyang umupo sa mas mataas na posisyon ng gobyerno.

"Masaya na ako sa posisyon ko. Pinagkatiwalaan ako ng mga tao dito. Gagampanan ko ang trabaho ko,” wika ng boksingero na naging mambabatas.

Muling nabanggit ng senador ang plano niya noong pagbibitiw sa pwesto dahil sa pagkadismaya sa pulitika.

"Nag-iisip na nga akong hihinto na lang kasi minsan nadi-discourage ako. Pero pag sumuko ako, parang boxing, sumuko ako nang hindi pa tapos yung round," patuloy niya.

“Kung ano yung tama, yun ang tama. Hindi na bale kung makasagasa ako ng tao basta nasa tama ako,” dagdag ni Pacquiao.

Napag-usapan ang pagkapangulo ni Pacquiao matapos itong mabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaarawan ng senador.

“Sabi ko sa kanya one time noong kami lang dalawa nag-usap, gusto kita gawing president. Alam ko kaya mo,” wika ni Duterte kay Pacquiao.

 

vuukle comment

2022

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with