^

Bansa

Dengvaxia epektibo vs dengue - WHO

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Dengvaxia epektibo  vs dengue - WHO

Sa 19 bansang gumamit sa Dengvaxia, ang Pilipinas lamang ang nagkaroon ng malaking pagtutol laban dito na walang basehan sa siyensya.  File

MANILA, Philippines — Kinikilala ng World Health Organization (WHO) ang bisa ng Deng­vaxia laban sa dengue, tulad ng pagkilala at patuloy na paggamit ng bakunang ito ng may 18 bansa, lalo na ng mga bansang may mataas na insidente ng dengue. 

Sa 19 bansang gumamit sa Dengvaxia, ang Pilipinas lamang ang nagkaroon ng malaking pagtutol laban dito na walang basehan sa siyensya.

Sa bansang Brazil, na isang endemic nation tulad ng Pilipinas, patuloy ang paggamit ng Dengvaxia upang mapababa ang bilang ng mga taong namamatay sa sakit na dengue kada taon.

Labingwalo pang mga bansa sa mundo, tulad ng Singapore, ang gumagamit sa Dengvaxia.

Karamihan sa mga bansang gumagamit ng Dengvaxia bilang bakuna, ay pinahintulutan na ang Sanofi Pasteur upang mabago ang labelling nito. 

Noong Disyembre 22, inilathala ng WHO ang kanilang abiso na kinilala ang kahusayan ng Dengvaxia bilang bakuna sa mga lugar na may mataas na insidente ng dengue.

Gayundin, kinikilala ng WHO ang kahusayan ng Dengvaxia para mapababa ang banta ng severe dengue sa mga tao lalo na sa mga may dengue virus kumpara sa mga hindi nabakunahan ng Dengvaxia.

Sa kalatas pahayag, sinabi ng Sanofi Pasteur na wala pa silang natatanggap na malinaw at kumpirmadong namatay dulot ng bakunang dengvaxia. Patuloy aniya ang pakikipagtulungan at monitoring ng Sanofi kaagapay ang Department of Health sa kalagayan ng may 800,000 kataong nabakunahan noon pang 2016.

vuukle comment

DENG­VAXIA

WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with