^

Bansa

Suweldo ni Bato tumaas ng 79%

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Suweldo ni Bato tumaas ng 79%

Sa ilalim ng bagong salary scheme  na ipatutupad ng dalwang tranches mula 2018 hanggang 2019 ang magiging take home base pay ni dela Rosa mula P121,143.00 ay magiging P149.785 kada buwan pagsapit naman ng Enero 2019. File

File

MANILA, Philippines — Tumaas ng 79 % ang buwanang suweldo ni Philippine National Police Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa na mula sa P67,500 ay magiging P121,143.00 na ang basic salary niya kaugnay ng pagtataas sa suweldo ng mga pulis ng gobyerno.

Ito’y alinsunod sa nilagdaang Joint Resolution No. 1 ni Pangulong Rodrigo Duterte upang bigyan ng umento ang base pay ng mga kasapi ng PNP at ng Armed Forces of the Philippines.

Sa ilalim ng bagong salary scheme  na ipatutupad ng dalwang tranches mula 2018 hanggang 2019 ang magiging take home base pay ni dela Rosa mula P121,143.00 ay magiging P149.785 kada buwan pagsapit naman ng Enero 2019.

Si dela Rosa ay nakatakda na sanang magretiro sa Enero 21 ng taong ito sa pagsapit sa gulang na 56, ang mandatory age retirement sa PNP at AFP pero pinalawig pa ni Pa­ngulong Duterte  hanggang Abril 24 ng taong ito.

vuukle comment

BATO DELA ROSA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with