^

Bansa

Kumpanya sa Japan nag-alok ng paid leave para sa mga non-smokers na empleyado

Christian Imperio - Pilipino Star Ngayon
Kumpanya sa Japan nag-alok ng paid leave para sa mga non-smokers na empleyado

MANILA, Philippines - Isang kumpanya sa Japan ang nakaisip ng kakaibang paraan upang mapatigil ang kanilang mga empleyado sa paninigarilyo.

Ayon sa ulat ng The Telegaraph, may dagdag na anim na araw na bakasyon bawat taon ang maaring magamit ng mga empleyadong hindi gumagamit ng “yosi break” ng Piala Inc. sa Tokyo.

Ito ay matapos aprubahan ng CEO ang mungkahi ng isang empleyado na nagiging problema umano sa loob ng kumpanya ang paggamit ng “yosi break” ng mga empleyado na kadalasang tumatagal ng 15 minuto.

Hindi bababa sa 30 empleyado ng Piala ang agad na nakapagbakasyon matapos aprubahan ng kumpanya ang direktiba nitong Setyembre.

Samantala, sa isang pag-aaral ng World Health Organization, 21.7 percent ng mga Hapon ay naninigarilyo.

Dahil dito ay patuloy na gumagawa ng paraan ang mga kumpanya sa Japan upang maprotektahan ang kanilang mga empleyado sa epekto ng second-hand smoke.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with