^

Bansa

Mga janitor ng Senado sa damuhan lang natutulog

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Maitutulad sa mga inaping characters sa telenovela ang buhay ng mga janitors ng Senado pagsapit ng gabi na napipilitang matulog sa mga damuhan sa labas mismo ng gate ng Senate building matapos silang pagbawalang matulog sa alinmang kuwarto o ispasyo o building sa loob ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Naging paksa ng privilege speech kahapon ni Senator Sonny Angara ang kaawa-awang kalagayan ng mga janitors ng Senado na sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang nakaranas na matulog sa labas ng gate ng mataas na kapulungan sa ilalim ng pamamahala ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III.

Karamihan aniya sa may 40 janitors ng Senado ay nakatira sa malalayong lugar katulad ng Antipolo, Rizal; Sta. Cruz, Laguna; San Jose Del Monte, Bulacan; at San Isidro, Nueva Ecija kaya sa halip na umuwi ay nag­ha­hanap na lamang ng bakanteng ispasyo sa loob ng Senado upang doon magpalipas ng gabi.Ipinunto pa ni Angara na nasa pagitan lamang ng P9,000 hanggang P10,000 ang average na kita ng mga janitors kaya maiintindihan ang ginagawa nilang pagtitipid sa pamasahe.

Karamihan din umano sa mga ito ay kailangang mag time-in ng alas-7 ng umaga at mag time-out ng alas-7 ng gabi pero kadalasan ay alas-9 na natatapos ang kanilang trabaho.

 “Kapag umuwi pa sila, ilang oras lang sila makakatulog bago nila kailangan gumising muli at mag-biyahe pabalik sa Senado.  Walang sinuman siguro ang kakayanin ito,” ani Angara.

Iginiit ni Angara na patulugin ang mga janitors kahit man lamang sa basketball court na nasa may parking area ng Senado  o kaya sa loob ng Public Assistance Center.

Hanggang kahapon ay wala pang kongkretong solusyon ang liderato ng Senado tungkol sa isyu ng mga janitors.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with