^

Bansa

Digong gustong ibaba ang edad ng papatawan ng kasong kriminal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Digong gustong ibaba ang edad ng papatawan ng kasong kriminal
Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na kasama pa rin sa legislative agenda ng Pangulo na baguhin ang edad ng mga makakasuhan upang maging responsable ang mga kabataan sa kasalanang kanilang nagawa.
File

MANILA, Philippines - Nais pa rin ni Pangu­long Duterte na amyendahan ang batas upang maibaba ang edad ng mga maaring sampahan ng kasong kriminal.

Ito ay sa kabila ng resulta ng survey na nagsasabing pabor ang mga mamamayan na manatili sa 15 taon ang minimum age na maaring magkaroon ng criminal liability.

Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na kasama pa rin sa legislative agenda ng Pangulo na baguhin ang edad ng mga makakasuhan upang maging responsable ang mga kabataan sa kasalanang kanilang nagawa.

Kung mababago ang batas, magsisilbing proteksiyon din aniya ito sa mga kabataan upang hindi na magamit ng mga sindikato sa paggawa ng krimen.

Posible aniyang hindi nauunawaan ng mga sumagot sa survey ang layunin ng Pangulo na maamiyendahan ang kasalukuyang batas.

Lumabas sa isinagawang survey na 55 porsi­yento ng mga respondents ay nais pa ring ipako sa 15 taon ang minimum age ng mga maaring sampahan ng kaso.

Naniniwala rin si Abella na dapat ipaliwanag lamang sa mga mamamayan ang dahilan kung bakit kinakailangang ibaba ang minimum age para sa criminal liability.

“The survey shows is that there is still a lot of work to be done, especially in explaining to Filipinos, on the rationale behind lowering the minimum age of criminal liability,” ani Abella.

vuukle comment

ERNESTO ABELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with