^

Bansa

‘Abu Sayyaf kakainin ko’- Digong

Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Abu Sayyaf kakainin ko�- Digong
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda siyang kainin ang atay ng mga teroristang Abu Sayyaf basta meron lamang siyang asin at suka.
PPD/Ace Morandante

MANILA, Philippines - Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda siyang kainin ang atay ng mga teroristang Abu Sayyaf basta meron lamang siyang asin at suka.

Ito ang idiniin ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati kamakalawa sa opening ng Palarong Pambansa sa Antique.

Wika pa ng Pangulo sa military, huwag silang matutulog at habulin ang mga Abu Sayyaf na pumaslang at namugot sa sundalong si Sgt. Anni Siraji ng 32nd Infantry Division gayundin ang nabigong paghahasik ng terorismo ng mga ito sa Bohol.

“Pero dahil sa tero­rismo diyan sa Bohol ngayon may hinahabol pa sila, sinabi ko sa military, “huwag kayong matulog. Tang… hanapin ninyo’t patayin ninyo iyan. Gusto ko silang patay. Huwag mong ibigay sa akin iyan nang buhay. Iyong mga terrorism na ginigilitan nila ang lalamunan ng ibang tao… just to decapitate… they are really animals. But if you want me to be an animal, sanay rin ako diyan, pareho lang tayo. Ngayon, I can dish out more than what you can, 50 times over. Kainin pa kita sa harap ko. Bigyan mo lang ako suka pati asin, kakainin ko kayo. Totoo, pagalitin mo ako? Bigyan mo ako diyan terorista, bigyan mo ako asin pati suka, kakainin ko iyang atay niyan. Do not… wala… no quarters given, no quarters asked for these people,” galit na pahayag ni Duterte.

Kinondena naman ng Malacañang ang pagpugot ng Abu Sayyaf kay Siraji ng 32nd Infantry Division.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, si Siraji ay dinukot ng Abu Sayyaf sa Igasan, Patikul, Sulu habang papunta ito sa isang peace and development mission noong Abril 20. Natagpuan ang bangkay nito sa bisinidad ng Sitio Kan Suil, Barangay Tagbili, Patikul noong Abril 23.

Sinabi pa ni Abella na si Siraji ay dating kasapi ng Moro National Libe­ration Front at nagdesis­yon na magbalik-loob sa gobyerno upang ma­ging peacemaker upang kumbinsihin ang kapwa Tausug na huwag suportahan ang ASG.

Tiniyak ni Abella na hindi titigil ang pamahalaan hangga’t hindi naisisilbi ang  hustisya sa kaso ni Siraji.

Samantala, iginiit kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na dapat maglunsad ng matin­ding opensiba ang Armed For­ces of the Philippines laban sa teroristang Abu Sayyaf matapos nitong pugutan ng ulo si Siraji.

 Ayon pa kay Lacson, dapat ring patindihin pa ang human at technical intelligence work ng militar upang matukoy ang kuta ng Abu Sayyaf.

Naniniwala si Lacson, dating hepe ng Philippine National Police na may sapat na tauhan ang AFP at PNP na maaring huma­wak sa problema at ma-neutralize ang teroristang grupo.

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with