^

Bansa

Plunder trial kay Jinggoy itinakda na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong taon mula nang makasuhan, itinakda  na ng Sandiganbayan ang plunder trial laban kay da­ting Senador Jinggoy Estrada.

Sa pre-trial ng anti-graft court kahapon ng umaga, personal na dumalo si Estrada, maging ang kapwa-akusado nito sa pork barrel scam case na si Janet Lim Napoles.

Nagkasundo ang prose­kusyon at depensa sa listahan ng mga ebidensya, laban sa akusado.

Dahil dito, itinakda na ng Sandiganbayan 5th division sa June 19, 2017 ang unang trial sa kasong plunder ni Estrada, at gagawing tuwing Lunes ang pagdinig. 

Si Estrada ay nakakulong sa Philippine National Police (PNP) detention facility, kaugnay sa kasong plunder matapos umanong tumanggap ng daang milyong pisong kickback mula sa NGO ni Napoles, kung saan umano napunta ang PDAF ng dating senador.

Samantala, pinayagan na rin ng Sandiganbayan 5thdivision ang mosyon ni Jinggoy para makadalo sa 80th birthday ng amang si Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa mosyon na inihain ni Estrada nais niyang tumulong sa pag-organisa ng kaarawan ng ama mula April 18 hanggang sa kaarawan nito sa April 19.

Pinayagan lamang siya ng korte na makalabas ng detensyon mula alas-5 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi ng Abril 19.

Sagot naman ni Estrada ang gastos at sa seguridad nito sa paglabas ng kulungan habang hindi naman pinayagan ang anumang paggamit ng gadgets at media interviews sa Senador.

vuukle comment

JINGGOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with