^

Bansa

Increase sa allowance ng GOCCs pinatitigil ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Magpapatupad ng moratorium si Pangulong Duterte sa pagtaas ng allowance ng mga government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Sa talumpati ng Pa­ngulo kamakalawa sa “Digong’s Day for Women”, pinuna ng Pangulo na masyado ng malalaki ang natatanggap na allowance ng mga nagta-trabaho sa mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan kaya dapat ng magpatupad ng moratorium.

Balak din ng Panguko ng kontrolin anumang increase na matatanggap ng mga nasa government corporation.

Samantala, ipinaalala rin ni Duterte na hindi lamang pagnanakaw sa kaban ng bayan ang maituturing na katiwalian kung di maging ang katamaran.

Ayon sa Pangulo, ang hindi pagta-trabaho sa kabila ng pagtanggap ng suweldo ay isa ring uri ng graft.

“But itong indolence (katamaran) sa gobyerno is one of the causes na --- a form of graft because you are paid and you are not doing anything about your job,” sabi ng Pangulo.

Idinagdag ng Pangulo na noong nangampanya siya ay kakaunti lamang ang kanyang pangako at isa rito ang pagsugpo sa katiwalian.

Sa ngayon sa hanay ng kanyang mga Gabinete, isang buwan lamang ang palugit na ibinibigay para matapos ang isang inaasikasong transaksiyon.

Pinuna rin ni Duterte ang mga directors sa mga tanggapan ng gobyerno sa mga probinsiya na palaging absent o wala sa opisina.

Mistula rin aniyang nagiging pribilehiyo ng ibang directors ang pag-absent.

Ipinaalala rin ng Pa­ngulo na may timetable na dapat sundin para matapos ang trabaho ng isang ahensiya ng gobyerno.

vuukle comment

GOCCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with