Magkaisa kayo - FVR
MANILA, Philippines - Umapela kahapon si dating Pangulong Fidel Ramos sa dalawang pinakamataas na lider ng bansa na magkaisa na ang mga ito para sa ikabubuti ng Pilipinas.
Sinabi ni FVR sa press conference nito sa NAIA terminal 1, mahalagang magkaisa sina Pangulong Duterte at Vice-President Leni Robredo at walang dahilan para mag-away ang dalawa.
Naniniwala rin si Ramos na malabo ang mga basehan ng mga inihaing impeachment complaint laban sa Pangulo at Pangalawang Pangulo.
Kasabay nito, sinabi ni Ramos na dapat isama si House Speaker Pantaleon Alvarez sa napabalitang dinner ng dalawang lider ng bansa. Katwiran ng dating presidente, nagmula kasi sa Kamara ang impeachment complaint laban kina Duterte at Robredo.
Umalis si Ramos sa bansa patungong Taipei para sa limang araw na golf tournament.
- Latest