^

Bansa

Palasyo naglinaw sa Impeach Leni

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nilinaw kahapon ng Malacañang na wala silang kinalaman o si Pangulong Rodrigo Duterte sa balak ng mga kaalyadong kongresista na ituloy ang impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo, ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Magugunita na mismong si Pangulong Duterte ay nagpahayag na dapat itigil at huwag nang ituloy ang impeachment complaint laban kay Robredo dahil maaga pa raw para magpatalsik ng opisyal at makakagulo lamang ito sa bansa.

Pero sa kabila nito, kinumpirma nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at House Speaker Pantaleon Alvarez ang reklamo laban sa Bise Presidente.

Sinabi ni Panelo na nagsalita na ang Pangulong Duterte at malinaw ang kanyang posisyong ayaw ipa-impeach si Robredo pero bahala na ang mga kongresista at hindi makikialam dito ang Pangulong Duterte sa anuman ang kanilang desisyon dahil hindi naman sila kontrolado bilang miyembro ng co-equal branch.

Iginiit ni Panelo na abala ang pangulo sa kanyang trabaho sa Executive Department at sa pamamalakad sa pamahalaan para pakialaman pa ang ginagawa ng mga mambabatas,” dagdag pa ni Panelo.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with