^

Bansa

Beauty, cosmetic firms gigisahin sa tax issue

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakatakdang gisahin sa Kamara ang mga kumpanya na gumagawa ng mga pampaputing ‘papaya soap’ dahil umano sa hindi pagbabayad ng buwis. 

Kailan lang ay inihain ng hard-hitting lawmaker na si Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves ang isang resolusyon para himukin ang mababang kapulungan na alamin kung ang mga kumpanya na sangkot sa distribution, sale at importation ng personal at homecare products ay nagbaba­yad ng tamang buwis sa gobyerno.

Sa kanyang resolution, sinabi ni Teves na may mga dokumento na magpapakita ng ‘huge discrepancy’ sa pagitan ng revenues at actual sales ng mga sinasabing kumpanya. Nabanggit din ni Teves ang malaking pagkakaiba sa gross profit margin ng mga naturang kumpanya kung ikukumpara sa ibang miyembro ng industriya.

Aniya, malamang na binababaan ng mga nasabing kumpanya ang kanilang revenues upang makaiwas sa pagbabayad ng mas mataas na buwis.  

Samantala, inihahanda na umano ang mga summons para sa mga big leading beauty at cosmetics firms sa bansa upang bigyan linaw ang usapin.

 

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with