^

Bansa

Paghahanda sa bgy., SK elections sa Oktubre tuloy - Comelec

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, kaila­ngan nilang tumalima sa batas na nag-aatas sa poll body para paghandaan ang nasabing batas.

Ito ay ang Republic Act 10923 na nagpaliban sa Bgy. at SK Elections mula Oktubre 2016 patungo ng Oktubre 2017.

Tiniyak naman ni Bautista na susunod ang Comelec sakaling magpasya ang Kongreso na bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na magtalaga na lamang ng mga opisyal sa barangay sa halip na magdaos ng eleksyon.

Pero binigyang diin ni Bautista, dapat ay may batas munang maipasa.

Nirerespeto naman daw ng Comelec ang pagnanais ng Pangulo na magtalaga na lamang ng barangay officials dahil sa pangamba na magamit ang drug money sa pagpopondo ng kampanya ng mga tatakbo sa barangay elections.

Sinabi ni Bautista na mas may malawak na kaalaman ang pangulo ng bansa pagda­ting sa nasabing isyu.

Pero mainam din umano na pag-aralan kung sino ang bibigyan ng kapangyarihan na magtalaga ng barangay officials, ang gobernador ba, alkalde, o ang sangguniang panlalawigan o panglungsod.

vuukle comment

ANDRES BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with