^

Bansa

Leila makapal ang mukha

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinawag ni Pangulong Duterte si Sen. de Lima na babaeng makapal ang mukha habang si Sen. Antonio Trillanes naman ay inakusahan nitong nangongolekta ng pera sa mga negosyante.

Ayon sa Pangulo sa kanyang mensahe sa harap ng Filipino community sa Thailand, hihintayin niya si de Lima sa impyerno kapag nauna siyang mamatay at sasabihan daw niya si Satanas na “senor Satanas, dumating na ang reynang inaantay mo.

“Alam mo, hinahanap ko talaga. Wala akong nakita sa Pilipinas, hinahanap ko yung babae na napakakapal ang mukha, siya lang. Alam mo, lapitan mo iyan, laslasan mo ng blade, hindi tatalab. Buhusan mo ng asido yung mukha, ganoon lang iyan. Balewala,” sabi ng Pangulo.

Ayon pa kay Duterte, nagmamalinis si Trillanes na namuno pa noon sa Manila Peninsula siege at Oakwood mutiny upang labanan daw ang corruption sa gobyerno pero ng maging senador ay daig pa ang abogado sa pangongolekta ng ‘retainers’ sa mga negosyanteng kanyang tinatakot.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with