^

Bansa

Pagpapahinto na gawing casino ang Army/Navy Club, ibinasura ng CA

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na humihiling na ipahinto ang proyekto na gawing boutique hotel at casino ang makasaysayang Army and Navy Club sa Maynila.

Sa anim na pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Garcia, ibinasura ng Court of Appeals 15th Division ang petisyon ng VACC dahil sa teknikalidad at paglabag sa prinsipyo ng hierarchy of courts.

Ayon sa CA, bagamat sila ay may kapangyarihan din na mag-isyu ng writ of certiorari, pinapayagan lamang ang direktang paghahain ng nasabing petisyon kapag mayroong mabigat na dahilan.

Kung susundin umano ang hierarchy of courts, dapat ay sa Regional Trial Court muna inihain ang petisyon.

Hindi kasi kumbinsido ang appellate court na may mabigat na dahilan para hindi tumalima sa hierarchy of courts.

Tinukoy pa ng CA na ang lease contract na pinasok ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa Oceanville Hotel and Spa na magtatayo ng casino sa Army Navy pati na ang pag-apruba ng National Historical Commission of the Philippines sa proyekto ay hindi maituturing na judicial, quasi-judicial o ministerial action para mabigyang katwiran ang paghahain ng petition for certiorari.

Ang Army and Navy Club ay idineklarang national historical landmark bilang pagkilala sa Filipino-American friendship and cooperation.

vuukle comment

VACC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with