^

Bansa

Medical marijuana sumalang sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Muling isinalang at dininig sa Kamara sa kauna-unahang pagkakataon ngayong 17th Congress ang Medical Marijuana Bill o ang pagsasalegal ng medical cannabis.

Ang House Bill 180 o Medical Cannabis bill ay inihain ni Isabela Rep. Rodito Albano noon pang nakaraang kongreso su­balit hindi ito nakalusot sa Kamara.

Ngayon ay dininig na ito ng House Committee on Health.

Layunin ng panukala na bigyan ng pagkakataon ang mga pasyente na may malalang karamdaman na makagamit ng medical cannabis o marijuana para maibsan ang matinding sakit at hirap na nararanasan ng mga ito araw-araw.

Nakasaad sa ilalim ng panukala na may panuntunan para hindi maabuso ang sistema ng paggamit ng marijuana.

Kabilang na dito ang registration ng mga pas­yente na mapapayagang maresetahan lamang ng medical marijuana at limi­tadong dosage lang nito ang ibibigay sa  nanga­ngailangang pasyente.

Nagpahayag naman ng lubos na suporta ang Philippine Cannabis Compassion Society (PCCS) sa naturang panukala ni Albano kasama dito ang magulang ng mga may pasyente na may autism at malalang karamdaman. Ito ay dahil naniniwala sila sa safeguards sa ilalim ng panukala.

Nanawagan din ang PCCS sa liderato ng Kamara na isama ito sa prayoridad dahil lumabas naman sa pag-aaral na talagang nakakatulong ang marijuana sa pain management at kontra sa paglago ng cancer cells.

 

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with