^

Bansa

Droga sakop na lang ng parusang bitay

Gemma Amargo-Garcia, Delon Porcalla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Para lamang mapursigeng ipasa ang death penalty bill, nilimitahan na lamang  sa krimen na may kinalaman sa illegal na droga ang papatawan ng parusang kamatayan.  

Ito ang napagdesisyunan sa caucus ng supermajority kahapon na dinaluhan ng mahigit 50 kongresista.  

Ayon kay House of Representatives Justice Committee Chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, inalis na sa listahan ng krimen na maaaring patawan ng parusang kamatayan ang kasong plunder, treason at rape.  

Inamin naman ni Umali na mas madali nilang maipapasa ang panukalang pagbuhay ng parusang kamatayan kung limitado na ito sa drug related cases tulad ng produksyon, manufacturing at pagtutulak ng droga maliban sa possession.

Mayroon din umanong issue sa mga kongresista na kapag isinama pa ang iba pang krimen sa death penalty bill ay magkakaroon ng epekto sa ekonomiya. Samantala,  mayorya o one-third o 219 kongresista mula sa 293 mi­yembro ng House of Representatives ang boboto pabor sa pagbalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Ito ang tinuran ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa panayam ng CNN Philippines patungkol sa nakatakdang pagpapatibay sa House Bill 4727 sa pangalawang pagbasa na maaaring gawin ng mga miyembro ng supermajority coalition ngayong Martes o bukas, Miyerkules.

“Mangyayari na iyan,” sabi pa ni Alvarez habang nanindigan sa patakaran ng liderato ng Kamara na susunod ang mga mambabas sa linya ng dominanteng partidong PDP-Laban kabilang yaong kaalyado ng nangingi­babaw na partido pulitikal ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

vuukle comment

DEATH PENALTY BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with