^

Bansa

Rebelasyon ni Lascañas sisiyasatin ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tuloy ang imbestigasyon ng Senate committee on public order and dangerous drugs na pinamumunuan ni Sen. Ping Lacson sa mga naging rebelasyon ni dating SPO3 Arthur Lascañas na nagkukumpirma ng Davao Death Squad at mga nangyaring patayan sa Davao City noong mayor pa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lacson, posibleng sa isang linggo pa gawin ang imbestigasyon dahil puno na ang schedule ng kanyang komite nga­yong linggo.

Kabilang sa mga ipapatawag ng komite ang mga dating hepe ng pulis ng Davao City noong nangyari ang sinasabing pagsulpot ng DDS.

Pero tiniyak ni Lacson na hindi na ipapatawag sa imbestigasyon si Pangulong Dutete bagaman at maari itong magboluntaryo.

“Hindi. Walang nagpapatawag ng president unless mag-volunteer siya rito,” sabi ni Lacson.

Maoobserbahan rin umano sa gagawing pagdinig ang magiging “demeanor” ni Lascañas na nauna nang sumumpa sa Senate blue ribbon committee na magsasabi ng totoo pero binawi niya kamakalawa ang mga unang pahayag na hindi totoo ang DDS.

Inaasahan rin na ikukumpara sa pagdinig ang mga pahayag ni Lascañas at ang unang umamin na miyembro ng DDS na si Edgar Matobato.

vuukle comment

SENATE COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with