^

Bansa

Trahedya sa field trip iimbestigahan ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Iimbestigahan ng Senado ang nangyaring malagim na aksidente sa Tanay, Rizal kamakalawa kung saan 15 katao ang namatay na karamihan ay mga estudyante.

Sa privilege speech kahapon ni Sen. Tito Sotto, sinabi nito na sa kabila ng mga nangyayaring sisihan, hindi nasisilip kung sino ang nagbigay ng sertipikasyon kaugnay sa “road worthiness” ng mga naaksidente sasakyan.

Iginiit ni Sotto na palagi na lamang sinisisi ang pagkawala ng preno pero hindi nasisilip kung nararapat pa bang bumiyahe sa mga lansangan ang mga sasakyang nasasangkot sa aksidente.

Noon pa umanong 2014 hiniling ni Sotto sa Department of Transportation na tukuyin kung sino ang nagbibigay ng sertipikasyon sa “road worthiness” ng mga sasakyan.

Maging si Sen. Grace Poe, chair ng Senate committee on public services, ay nagbabalak na maghain ng resolusyon upang tingnan ang pagbibigay ng mga permit sa mga driver ng commercial buses.

Gusto ring malaman ni Poe kung ano ang mga safety features na mayroon ngayon na wala sa mga lumang bus na mahigit na sa 10 taong ginagamit.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with