Transport holiday Ikinasa ng PISTON
MANILA, Philippines - Ikinasa ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at No To Jeepney Phase-out Coalition (NJPOC) ang isang malawakan at malakihang transport holiday sa bansa upang tutulan ang planong jeepney phase out ng pamahalaan.
Ayon kay George San Mateo, national president ng Piston, hindi na mapipigilan pa ng pamahalaan na mag-alsa balutan ang may mahigit 300,000 nilang miyembro nationwide na makiisa sa pagkilos para maiparating sa pamahalaang Duterte ang pagkondena sa planong pagtatanggal sa mga 15 year old na passenger jeepney sa bansa.
- Latest