Perjury laban kay Lascañas inilutang
MANILA, Philippines - Inilutang kahapon ni Senator Sherwin Gatchalian ang paghahain ng kasong perjury laban kay retired SPO3 Arthur Lascañas matapos umamin na nagsinungaling sa imbestigasyon ng Senado noong nakaraang taon.
Ayon kay Gatchalian, dapat maghain kaagad ang Department of Justice ng perjury case dahil lumalabas na binawi lahat ni Lascañas ang mga pahayag niya sa hearing tungkol sa extrajudicial killings sa Davao City.
Matatandaan na sa unang pagharap ni Lascañas sa Senado, pinabulaanan nito ang extra-judicial killings, pero sa pulong-balitaan kahapon, inamin niya na naging bahagi siya ng Davao death squad at nagkaroon ng partisipasyon sa mga nangyaring patayan.
Samantala, naniniwala naman si Senator Panfilo “Ping” Lacson na maaring buksan muli ang imbestigasyon tungkol sa extrajudicial killings kung may maghahain ng resolusyon.
- Latest