Pinoys tiwala pa rin sa US kaysa China, Russia
MANILA, Philippines – Halos 80 percent ng mga Pilipino ang tiwala pa rin sa Amerika kaysa sa nais kampihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga bansa.
Lumabas sa pagsisiyasat ng Pulse Asia na 76 percent ng mga Pinoy ang nagsabing tiwala sila sa Amerika, habang 38 percent lamang ang pumabor sa Russia at China
Nasa pito sa 10 Pinoy naman o 70 percent ang tiwala sa Japan, habang 39 percent sa United Kingdom.
Ang mga binatikos ni Duterte na United Nations at European Union ay nakakuha naman ng 74 percent at 50 percent, ayon sa pagkakasunod.
Isinagawa ang survey Disyembre nitong nakaraang taon kung saan 1,200 ang respondents.
- Latest