^

Bansa

Pagtataas sa sin taxes suportado ng CBCP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Suportado ng dalawang lider ng simbahan at grupo ng National Federation of Tobacco Farmers Association and Cooperation (NAFTAC) ang panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na humihikayat sa Senado na aprubahan ang panukalang pagtataas sa sin taxes.

Ayon kay dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, na wala itong nakikitang masama sa House Bill 4144 dahil dini-discourage nito ang paninigarilyo at sa bandang huli ay makakatipid ang mahihirap sa halip na gastusin pa ang kanilang pera sa mga bisyo tulad ng pagbili ng sigarilyo at alcohol.

Giit pa ni Cruz, tungkulin ng gobyerno na protektahan ang kalusugan ng mga Pilipino bukod pa sa pagpapataas ng koleksyon ng buwis, na ang tinutukoy nito ay ang nasabing panukala na nag-aamyenda sa RA no. 10351 o ang Sin Tax Reform Act na nagtataas sa excise tax rates para sa tobacco products.

Para naman kay Archbishop Emeritus Diosdado Talamayan ng Archdiocese ng Tugue­garao, sinabi nito na dapat masiguro ng kongreso na maipapasa ang panukala at makakarating sa lamesa ni Pangulong Duterte para mapirmahan at ganap na maging batas.

Ang HB no. 4144 ay inihain ni ABS partylist Rep. Eugene Michael de Vera, na nagmula sa Sto. Domingo sa Ilocos Sur na naglalayong gawing patas ang industriya ng sigarilyo at mapromote ang kompetisyon.

vuukle comment

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with